started as a blog as an ode to my lappie Delta, now has become part of my usual weekly activity.




Tuesday, June 06, 2006

Ang Google at ang Pananagalog ko sa pasusulat nito. Bow!

Mood: o_O (WHAT the FUCK?!)

I received an email from Google Adsense last week. As you know, my website has adsense advertisements in it. They said they wanted me to edit my post last january ads. Tagalugin ko para 'di nila ma-parse este, para hindi nila maiintindihan (nagbabakasakali na hindi pa sila gumagawa ng aplikasyon na pang-computadora na nakakaintindi sa wikang Pilipino). Balik tayo sa kwento. Sabi nila, bawal daw na maglagay na "pumindot sa mga nakalathalang mga patalastas (pagsasalin c/o tinnerts)". Binigyan ako ng 3 araw ng Google na palitan ang aking sinulat para gumana ulit ang Adsense ko. kainis! para naman kasing milyon-milyon ang kinikita ko sa Adsense na yan. lecheng buhay na ito. eh hanggang ngayon, 97 cents lang ang kinikita ko. wow! talaga namang limpak-limpak na barya! saan kaya ako magbabakasyon para gastusin ko ang aking tumataginting na 97 cents (50 pesos)? pwede akong mag-bus papuntang alabang mula sa ortigas. 50 pesos na yun. yun nga lang, cheke ang pinapadala ng Google. Wala yatang banko na nag-papalit ng pera ng cheke na 97 cents lang ang nakalagay. Baka pagtawanan ako ng teller ng bangko.


Though Chain: Tatanggalin ko ba ang mga ad-sense ko? hmmm... tinatamad akong mag-edit ng aking settings. saka na kapag ginamit ko na yung bago kong template in a few weeks time. Don't worry Google, I don't need your damn adsense!

2 Comments:

Blogger tinnerts said...

kanila kayang napagtanto na kakarampot lamang ang nalikom mong barya dahil sa kanilang mga patalastas? Palitan mo kaya ng "pindutin mo ako" yung nilagay mo dati? "dutdutin mo ako"? hmm....

5:06 PM

 
Blogger ascii said...

hmmm... gusto ko yung "dutdutin" hehehe. sige, post ako ng bago bukas... lagay ko... "dutdutin nyon ang mga patalastas ko." o kaya, "sundutin nyo ang mga patalastas, dali na, sundot sundot na!" :D

5:10 PM

 

Post a Comment

<< Home